MARVICRM.COM

Home / Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)

Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)


Source: Google Images


Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)

Mayroong isang Agila na mayabang na iniladlad at ibinuka ang kanyang mga pakpak habang lumilipad. May nakita sya na Maya sa kanyang daraanan.

 

Sabi ng Agila “ Hoy Maya baka gusto mong malaman kung sino sa ating dalawa ang pinakamabilis lumipad?” 

Para maturuan ng leksiyon ang Agila, pumayag si Maya sa hamon na ito. “Sige tinatanggap ko ang hamon mo Agila, 

kelan tayo mag uumpisa”sabi nya dito.

 

“Sabihan moko kung kailang mo gusto, kayang kaya kitang talunin” Yabang nito sa Maya.

Napalingon ang Maya sa kalangitan at nakita nya madilim ito, tanda na may posibling paparating na umulan.

“Sige Agila, umpisahan natin ngayon ang paligsahan, pero kailangan may dala na bagay ang bawat isa sa atin. Magdadala ako ng asukal at ikaw naman ay bulak” sabi niMaya.


Napatawa angAgila sa suhestiyon ng Maya kasi pabor sa kanya ito, magaan lang ang bulak at mas mabigat ang asukal, mananalo sya ng tiyak, sa isip ng Agila.

“Payag kaba Agila?” sabi ni Maya.

“Aba, Oo payag ako” sabi ni Agila.

“Sige magumpisa tayo sa may ilog at hihinto tayo sa tuktok ng bundok na iyon” wika pani Maya.

 

Muntik ngmapatawa si Agila kasi sa isip nya sya na talaga ang mananalo, pinigil nya langito.

Nagsimula na sila sa kanilang paligsahan, sa kalagitnaan ng paglipad nila ay bumuhos ang malakas na ulan. 

Ang bulak na hawak ni Agila ay napuno ng tubig at bumigat ito. Bumagal tuloy ang lipad nya.

 

Ang Asukal naman na dala ni Maya ay unti unting natunaw sa ulan kaya naubos ito at gumaan ang dala ni Maya kaya bumilis ang lipad nya.

Dahil dito nauna sa taas ng bundok si Maya, at tinalo ang mayabang na Agila.

 

Aral sa Ang Agila at ang Maya na Pabula

Pag aralan muna ang mga gagawin bago pakasigurado sa magiging resulta nito. Huwag ding maging mayabang.


Iba pang Pabula na pwede mong basahin

Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)

Ang Aso at ang Uwak (Buod ng Pabula)

Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)