MARVICRM.COM

Home / Ang Aso at ang Uwak (Buod ng Pabula)

Ang Aso at ang Uwak (Buod ng Pabula)


Source: Google Images

Ang Aso at ang Uwak (Buod ng Pabula)

Isang araw ay may lumilipad na uwak sa kalangitan. Nakakita ito ng nakababad na karne at pinapaarawan ito.

Napatakam ang Uwak at tinangay ang karne at lumipad sya ng malayo.

Huminto syasa isang puno at ng umpisahan na kainin na ito ay biglang dumating ang isangAso.

 

Sumisigaw ito at sambit ng Aso “sa lahat ng ibon sa mundo, ang uwak ang pinakamaganda”.

Natuwa ang Uwak sa kumento ng usa at napahalakhak ito. Nabitawan nya ang tangay na karne at nahulog ito sa lupa kung saan nanduon ang Aso.

Agad na sinunggaban ito ng Aso at mabilis na kumaripas ng takbo.

 

Wala ng magawa ang Uwak at tinignan nalang ang papalayo na Aso.

Mula noon ay nangako ang Uwak sa sarili na di na siya magpapalinlang sa Aso.

 

Aral saPabula ng “Ang Aso at ang Uwak” (Buod)

Huwag basta maniwala sa papuri ng ibang tao, baka meron ibang ibig sabihin ito.


Iba pang Pabula na babasahin:

Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)

Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)

Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)