Home / Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)
Source: Google Images
Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)
Noon unang panahon ay may isang malaking buwaya na nakatira malapit sa may ilog Pasig. Mabangis, ubod ng sakim at matakaw ang Buwaya. Walang ibang hayop na mangahas na lapitan ito dahil takot sila sa Buwaya.
Isang araw, walang magawa ang buwaya habang namamahinga sa isang bato. Napaisip sya at parang gusto na niyang magka asawa. Pasigaw nya itong sinabi sa mga hayop.
“Lahat ng ari-arian ko ay ibibigay ko makapag asawa lamang ako” sigawa ng Buwaya.
Sakto naman sa mga oras na iyon ay may dumaan na pabo malapit sa buwaya at narinig nya ito. Inulit banggitin ng Buwaya ang kanyang sinabi. “Gusto ko ng mag asawa at ibibigay ko ang yaman ko sa sinuman mapangasawa ko” sambit nito.
Na-curious ang pabo at sinimulan nyang kausapin ito.
Sa isip isip ng pabo, “Gusto ko ang Buwaya na ito, mayaman pala. Kung mapapasa akin ang perlas at mga dyamante na meron sya ay tiyak na yayaman din ako” sabi ng Pabo.
Lumapit ang Pabo sa bato na kinaroroonan ng buwaya. Paulit na sinabi ng buwaya ang kanyang kundisyon sa pag aasawa na magiging mayaman kung sino man iyon. Pinag igihan pa niya ang pagkukunwari sa Pabo.
Pagtingin ng Pabo malapitan sa Buwaya ay nakita nya ang mga maningning na mata ng Buwaya, inakala nya na mga diyamante ito at ang magaspang na balat ng Buwaya, akala naman nya ay mga perlas. Tinanggap ng Pabo ang alok ng Buwaya.
Sinabi ng Buwaya na umupo ang Pabo sa kanyang bunganga para daw hindi maputikan ang kanyang mga paa, at hindi madumihan ang kaniyang plumahe. Sumunod naman ang walang ka-alam alam na Pabo.
Bigla nalang isinara ng Buwaya ang kanyang malaking bibig, gulat na gulat ang Pabo. Naging pagkain na tuloy sya ng tusong Buwaya!
Aral sa AngBuwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)
Huwag maging sakim sa materyal na bagay. Alamin ang kapalit ng matatamis na pangako bago ito salihan.
Iba pang Pabula na Pwede mong basahin: