Home / Ano ang KAMBAL KATINIG
Ano ang KAMBAL KATINIG, Patinig at Katinig
Bago natin pag usapan kung ano ang katinig, alamin muna natin ang kaibahan ng Patinig at Katinig.
Ang Patinig sa English ay vowels. Eto ay isang silabikong tunog sa pananalita na binibigkas nang walang anumang paghihigpit sa daanan ng boses.
Mga halimbawa ng Patinig
Patinig na “a”
a araw
a allan
Patinig na “i”
i inay
i iwan
Patinig na “o”
o orasan
o obserbasyon
Patinig “e”
e eroplano
e embargo
Patinig “u”
u ukay-ukay
u ubos
Ang katinig sa English ay Consonants. Ito ay isang tunog ng pagsasalita na nakalagay sa kompleto o bahagyang pagsasara ng vocal tract. Eto ay mga letra ng alpabeto na hindi patinig.
Mga Halimbawa ng katinig
Katinig na “l”
l lola
l laba
Katinig na “t”
t titser
t tiyan
Katinig na “d”
d diyamante
d diborsyo
Ano ang Kambal Katinig
Ang Kambal katinig ( o Klaster ) – Sa isang pantig ng salita, magkadikit ang dalawang magkaibang katinig. Ibig sabihin sa isang pantig na salita magkasunod na merong dalawang katinig.
1. Halimbawa ang salitang “plastik” ay may klaster na PL sa unahan ng pantig
2. Sa salitang “plato” ay may klaster na pl sa unahan ng pantig
3. Sa salitang “blusa” ay may klaster na bl sa unahan ng pantig
Related Post: