Home / Alamat ng AHAS (Buod)
Alamat ng AHAS (Buod)
Noong unang panahon ang mga ahas ay pinanganak na merong mga paa. Katulad din sila ng ibang mga hayo na mayroong apat na pawa.
Pero dahil maliliit na nilalang ang mga ahas, palagi silang kinakawawa ng malalaking hayop. Isang guro ang naawa sa magkakaibigan na sina Kobra, Sawa at Dahong palay. Napagisipan ng guro na turuan sila na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Natuto naman ang tatlong magkakaibigang ahas na ipagtanggol ang kanilang mga sarili pagkatapos silang maturuan ng guro. Binigyan sila ng guro ng babala na huwag gagamitin ang mga natutunan sa masamang bagay kundi kung kinakailangan lamang nila ito.
Nangako naman ang mga magkakaibigan na susundin ang turo ng guro nila.
Pero dumating ang panahon na tumaas ang tingin ng magkakaibigan sa kanilang sarili.
Saan man sila magpunta ay pinagyayabang nila na itinuro sa kanila ng guro ang kakayahan na ipagtanggol ang sarili maski mas malaki pa ang kalaban.
Isang araw nagkagulo sa kagubatan ang lahat ng mga hayop na nanduon. Nagpustahan pala ang magkakaibigan kung sino ang mas magaling sa kanilang tatlo. At ang tatlo pala ay nagpatagisan ng kakayahan
Sumakit ang katawan ni Leon ng pilipitin ni kobra. Iika-ika si elepante matapos sipa-sipain ni sawa ang kanyang mga binti. Si matsing naman ay napagod at hinihingal sa katatakbo upang maiwasan ang mga suntok ni dahong palay.
Narinig ng guro ang ginawa ng mga tinuruan niyang ahas. Napa-iling ito at nag-isip kung paano niya tuturuan ng leksiyon ang mga hambog at malilikot na hayop. Matapos mag-isip ay hinanap niya ang mga ahas.
Nang makita ng guro ang mga ahas, ito ay nagdasal. Napatulog niya ang mga ito. Itinali niya at inipit ang mga paa ng malilikot na ahas at pinutol ang mga ito.
Nagising ang tatlo at nakita ang putol nilang mga paa. Nasa tabi nila ang kanilang guro. Pinaunawa ng guro na kaya niya pinutol ang mga paa nito ay dahil sa naging hambog ang mga ito dahil sa panibagong natutunan. Pinagsabihan niya ang mga ahas na simula noon ay wala na silang paa at gagapang na lamang sila para makalakad. Hindi na rin nila magagamit ang kakayahan sa pagtatanggol dahil hindi sila karapat-dapat para dito.
Simula noon ay gumagapang na lang ang mga ahas. Dahil hindi na rin nila magamit ang kakayanan ng pagtatanggol at sa hiyang dinulot ng pagkakaputol ng paa, sila ngayon ay naging mailap sa ibang mga hayop. Nagtatago sila at nag-aantay ng tamang pagkakataon upang umatake sa kanilang biktima.
Aral sa Alamat ng AHAS:
Huwag lalaki ang ulo sa mga biyayang natanggap. Ang labis na kayabangan ay di nagdudulot ng maganda.
Iba pang Alamat na babasahin: