MARVICRM.COM

Home / Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Alamat ng Alon sa Dagat (Buod)

Noong unang panahon ay may isang kaharian sa ilalim ng dagat na ang haring si Dinagat ay minamahal ng marami. Siya ay magaling, mabait at mabuting pinuno, ang pinakamakapangyarihan sa mga naninirahan sa dagat. Siya ay may asawa, ang Prinsesa ng Dagat, si Dana.

At ang kanyang mga paboritong anak. Ang panganay na anak na si Ahana, ay simple at mahilig makisama sa lahat. At ang bunso, si Ronala, ay matalino at maganda. Ang mga sirena at isda ay masayang namumuhay sa kaharian. Kalmado ang dagat at matiwasay na namumuhay ang mga nilalang sa karagatan

Isang araw, masamang balita ang gumimbal sa buong karagatan. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Hari Dinagat at unti-unti siyang nanghihina. Nagpatawag ng isang babaylang isda ang hari.

Sa pagsusuri, nalaman ng babaylan na ang dahilan ay dahil sa mga tao na patuloy na sumisira sa karagatan at kalikasan. Kapag patuloy na ginawa ito ng mga tao ay posibling tuluyan siyang mamatay.

Nagwika ang mahal na Reyna ng karagatan. “ Mahal kong asawa kailangan nating mapigilan ang ginagawa ng mga tao, kung hindi ay mawawala ka at ang ating kaharian” sambit niya.

Dahil dito inutusan ng mahal na hari ang kaniyang tatlog anak na mag anyong tao at pigilan ang mga tao sa kanilang ginagawa.

"Ahana at Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para sa isang mahalagang misyon, batid ninyo ang kalagayan ko at ang maaring maging kapalaran ng ating kaharian, nais ko kayong ipadala sa lupa, at maganyong tao upang pigilan sila sa kanilang masamang gawain, ngunit isang paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong umibig sa kahit sinumang tagalupa at bawal magdikit ang inyong mga balat dahil kayo ang maglalaho" wika ng Hari.

“Gagawin po naming ang lahat Amang Hari, ako na lamang po ang mauunang pumunta sa lupa." Sambit ni Ahana.

Naunang umahon sa lupa si Prinsesa Ahana. Nakita niya na nagtatapon ng basura ang mga tao sa dagat. Nilapitan niya ang mga ito at pinakausapan ang mga tao. Pero sa kasamaan palad, hindi nakikinig ang mga tao sa kanya.

Di nagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana at di na niya kinayang makita pa ang masamang gawain ng mga tao. Umuwi na ito at humingi ng tawad sa kanyang pagkabigo. Siya ay lumuhod "Mahal kong Amang Hari, humihingi ako ng kapatawaran dahil ako ay nabigong baguhin ang gawi nila sa tubig." "Wag ka nang humingi ng kapatawaran, alam kong mahirap ang pinagagawa ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan." sabi ng Hari.

Sumunod na sumubok si  Si Prinsesa Lonala naman at umakyat siya sa lupa upang pakiusapan ang mga tao. Sa paglalakbay ni Prinsesa Lonala, lahat ng tao na makakakita sa kanya ay nabibighani sa kanyang kagandahan. Subalit napansin nga din niya na patuloy na nagtatapon ng basura ang mga tao sa dagat.

Nalungkot siya at sinabing, "dapat magtagumpay ako sa misyong ito, dapat siguro ay kilalanin ko muna ng husto ang mga tao at kaibiganin sila upang makuha ko ang loob nila at sila'y magtiwala saakin." Di nagtagal, nagtagumpay nga siya sa kaniyang plano na kunin ang loob ng mga tao at pagtiwalaan siya.

Umiibig na rin siya sa isang tagalupang si Alor na mahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila nakalimutan na ni Prinsesa Lonala ang babala ng kaniyang Ama. Alam ni Alo na isa siyang sirena pero tila umiibig na rin siya sa Prinsesa sa kabila ng katotohanan na iba ito sa kaniya.

Sa kabutihang palad, hindi pa rin nagdidikit ang kanilang mga balat. Tinulungan siya ni Alo na kausapin ang mga tao at ipaisip sa kanila na masama at di nakakabuti kanino man ang ginagawa nila sa dagat.

Ilang buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan ang lahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila. Tulong tulong na inayos at nilinis ng mga tao ang dagat at di lumaon ay bumalik sa dating ganda ang karagatan, lahat ay nagbunyi lalong lalo na ang mga nilalang sa kaharian ng dagat.

Dahil sa tagumpay na ginawa ni Prinsesa Lonala ay pinapauwi na siya ng amang Hari. Pero labis na nahulog ang loob ng pronsesa kay Alo. Alam ni Alo at Lonala ang posibleng mangyari sa kanya kapag nagkadikit sila, pero dahil sa labis na pagmamahalan ng dalawa ay nangako sila na magiibigan parin sila sa isat isa sa kabila ng babala ni Haring Dinagat.

Nagkasakit si Haring Dinagat ang sama ng loob at sakit sa puso na kaniyang nararamdaman sa pagsuway ng kaniyang anak at ito'y kaniyang ikinaratay.

Nalaman ito ni Lonola at labis ang pinaghis ng prinsesa. Nagpasiya itong bumalik sa kanilang kaharian. "Alo, patawarin mo ko ngunit kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian upang makita ang aking Ama sa bago lamang siya kunin ng Bathala." sabi ni Lonala kay Alo. "Hindi ako makapapayag! Sasama ako kung kinakailangan, ayoko mawala ka saakin." sabi ni Alo.

Ngunit tumakbo ng mabilis si Lonala nang hinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para pigilan. Biglang sabay na naglaho ang magkasintahan sa karagatan at  nagkaroon ng pagumbok ng tubig na humahampas sa dalampasigan. Ng mapansin ito ng mga tao na nakasaksi sa pagmamahalan nila Alo at Lonala, tinawag nila itong Alolon bilang pagalala sa wagas na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at di naglaon naging “Alon” ang tawag ng mga tao dito.


Iba pang Alamat na babasahin:

Alamat ng Chocolate Hills (Buod)

Alamat Ng Langgam At Tipaklong


Back to Home Page >>