MARVICRM.COM

Home / Alamat ng DAMA de Noche (Buod)

Alamat ng DAMA de Noche (Buod)

Source: Google Images

Alamat ng DAMA de Noche (Buod)

Noong unang panahon may isang Hari o tinatawag na Sultan sa may Mindanao ang hinahangaan ng mga tao. Bukod sa tapang at angking galing ng hari ay mayroon pa itong napakagandang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Mayuri.

Maraming mga prinsipe at mahahalagang tao ang nahuhulog ang loob sa dalaga sa taglay na kagandahan nito. Pero walang magustuhan sa kanila ang dalaga kasi ang hinahanap nya sa isang lalaki ay ang kagandahan ng loob.


Sa hindi inaasahang pagkakataon, nahanap din ni Mayuri ang katangian ng isang lalaki na hinihintay niya.

Ang maswerting binata na ito ay si Ramen, isang hardinero ng kanilang palasyo. Mabait siya at maginoo kaya nahulog ang loob ng prinsesa sa kanya.

Nagkaibigan ang dalawa at madalas magkita sa me hardin ng kanilang kaharian. Pero lingid ito sa kaalaman ng Sultan ng kaharian.

Para makaiwas sa paningin ng ibang tao sa palasyo, nagkukunwari na namimitas ng bulaklak para sa kanyang kwarto si Mayuri, sa panahon naman na ito ay kunwari nagdidilig ng halamanan si Ramen.


Dahil madalas gawin ito ni Mayuri ay nagtaka ang Sultan. Isang gabi sinundan niya si Mayuri at doon nakita niya ang dalawa na nag iibigan.

Nagalit ang hari at inutos na itapon si Ramen sa ilog na puno ng buwaya.

Samantala, labis na nalungkot si Mayuri at di na pumupunta sa hardin si Ramen. Kinakabahan siya at iniisip na me nangyari kay Ramen pero hindi pa niya alam na ang amang hari ang may kagagawan ng lahat.


Sa labis na pinaghis nasambit ni Mayuri “Mahal kong Allah, yaman din lamang at wala na ang aking mahal, hinihiling ko po na ako ay mawala na rin. Ang luha kong ito ay gawin po ninyong mga bulaklak na sa gabi lamang humahalimuyak ang bango”


Sa pamamagitan lamang po nito maaaring maalala ng aking ama na ang kanyang anak ay nawawala sa kadiliman ng gabi,"

Matamos masambit ni Mayuri ang kahilingan ay unti unting nagbago ang kanyang kaanyuan. Naging puno siya at namulaklak ng hugis luha. Tapos sa gabi lamang may naamoy ang mga tao na mabango at halimuyak ng bulaklak.


Dahil sa katangian na sa gabi lang ito mabango ay tinawag itong “Dama de Noche”. Nangangahulugan din ito na “Dalaga sa Gabi”


Iba pang kwento ng mga Alamat:

Alamat ng Araw at Gabi (Buod)

Alamat ng Chocolate Hills (Buod)

Alamat Ng Langaw (Buod)

Alamat Ng Langgam At Tipaklong