Home / Alamat ng Goblin Spider (Buod)
Source: Google Images
Ang Goblin Spider (Buod)
Noong unang panahon ay may isang pinagmumultuhan na templo sa isang tiwangwang na lugar ng bansa ng Japan. Ang gusali ay hindi matitirahan dahil sa mga duwende na nakakuha ng kontrol dito. Matapos manumpa ng pangakong lalabanan at papatayin ang mga duwende, ilang magigiting na samurai na sundalo ang pumunta sa templo. Ngunit hindi na sila nakabalik pa at wala nang narinig mula sa kanila.
Sa wakas, isang samurai na kilala sa kanyang katapangan ang pumunta sa templo upang obserbahan ang naganap noong nakaraang gabi. Sinabi niya sa kanyang mga kaibigan, "Kung sa umaga ay buhay pa ako, maririnig mo akong humahampas sa tambol ng templo," sabi niya
At iniwan siya ng kanyang mga kaibigan para panoorin siya sa may di kalayuan.
Pagtungtong ng gabi, nakayuko siya sa ilalim ng altar, na nakasuporta sa isang maalikabok na imahe ni Buddha. Wala siyang nakitang kakaiba at wala siyang narinig na ingay hanggang matapos ang hatinggabi. Pagkatapos ay dumating ang isang duwende, na may kalahating katawan at isang mata. Tumawag ito: "Hitokusai!" na nangangahulugang - "May amoy ng isang tao".
Tahimik lang ang Samurai, at umalis ang duwende.
Pagkatapos ay dumating ang isang pari at nagsimulang tumugtog sa isang samisen, na isang instrumentong may tatlong kuwerdas na katulad ng isang gitara. Napakahusay niyang tumugtog na ang samurai ay nakatitiyak na walang tao ang nakalikha ng musikang ito.
"Siguradong nag-anyong pari ang duwende na gagamba para dayain ako," sabi niya sa sarili.
Pagkatapos ay tumalon siya habang binubunot ang kanyang espada. Nang makita siya ng pari, natawa siya at sinabing: "Naniniwala ka yata na isa akong duwende? Naku! Pari lang ako ng templo, pero kahit ako kailangan kong makipaglaro para makaiwas sa mga duwende. Hindi ba ito tunog ng samisen. “ Subukan mo ito Samurai" sabi ng pari.
Pagkatapos ay iniabot niya sa samurai ang instrumento, na kinuha niya ng napakaingat gamit ang kanyang kaliwang kamay. Makalipas ang ilang segundo, ang pari ay nagbagong anyo na isang duwende pala, ang samisen ay naging isang higanteng sapot ng gagamba, at ang mandirigma ay mabilis na nahuli ng sapot sa kaliwang kamay. Mabangis niyang nilabanan ang gagamba, pinutol ito gamit ang kanyang espada sa proseso, ngunit mabilis siyang nasalikop sa sapot at hindi na siya makagalaw.
Tumakbo ang nasugatan na gagamba at pagkatapos ay bukang liwayway na.
Nabagot ang mga kaibigan ng Samurai na nag aantay para sa tunog ng tambol pero dahil walang pagtunog ay pinasok nila ang templo.
Sa loob ay natuklasan nila ang samurai sa kakila-kilabot na sapot ng gagamba, nasaktan, ngunit buhay, at tinulungan siya. Pagkatapos ay nakakita sila ng mga bakas ng dugo sa sahig, at sinundan ang mga landas palabas ng templo patungo sa isang butas sa desyerto na hardin. Doon ay nakakita sila ng isang gagamba sa hardin at pinatay ito.
At pagkatapos noon ay wala ng nabalitaan pa sa duwending gagamba (Goblin spider)