Home / Alamat ng Pakwan (Buod)
Alamat ng Pakwan (Buod)
Noong unang panahon may isang batang ulila sa Ama at ina. Ang pangalan ng kaawa awang bata na ito ay Juan.
Nakikitira lamang si Juan sa kanyang Tiya at Tiyo. Merong mga batang anak ang mga ito pero ubod ng sama naman sa kaugalian. Lagi nilang inaaway ang batang si Juan.
Sinisigawan at pinapalo pa siya habang nagtatawanan ang mga ito. Kunting mali lang ni Juan ay pinalalaki nila.
Tinawag nilang pangit si Juan kaya ang palayaw na binigay sa kaniya ay “Pak-Juan” dahil sa laki ng ulo nito, mapulang labi at maitim na mga ngipin.
Matulungin na bata si Juan. Masipag din siya sa mga gawaing bahay. Buong araw ang pagsisilbi niya sa bahay na kanyang pinakatitirahan. Sa kanya halos lahat ng gawain gaya ng paglilinis, pagluluto, pagligpit sa mga pinagkainan at pag aalaga sa mga bata.
Minsan, nabasag ang hinugasang pinggan ni Juan. “Wala kang ingat, maghuhugas ka lang ng pinggan ay mababasag pa”, sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan, “ha-ha-ha, Pak-Juan! Pak-Juan!”, ang paulit-ulit na biro ng mga pinsan.
Dahil sa habag sa sarili napapaiyak nalang si Juan. Nanalangin sya sa Poon.
‘”Kung maari kunin mo na po ako! Hirap na hirap na po ako!”
Mukhang dininig ng langit ang panalangin ni Juan. Biglang bumuhos ng malakas na mga ulan. Kumulog din at kumidlat ng malalakas.
Pagkatapos humupa ng ngitngit ng kalangitan, hindi makita ng mag-anak si Juan.
Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto.
Nagsisi ang mga anak. “Juan, sana’y mapatawad mo kami”, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, nang Pakwan ang tawag sa halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.
Aral sa Alamat ng Pakwan:
Huwag maging mapanakit sa kapwa, balang araw ay babalik din ito sa iyo.
Iba pang Alamat na babasahin: