Home / Alamat ng Singkamas (Buod)
Source: Google Images
Alamat ng Singkamas (Buod)
Noong unang panahon sa may isang liblib na nayon may isang dalaga na nagngangalang Singka.
Ubod ng ganda ang dalaga at dahil dito maraming binata ang nahuhulog ang loob sa kanya kapag nakikita siya.
Mayaman ang pamilya ni Singka. Pero sa dami ng nagkakagusto sa kanya ay wala siyang mapusuan.
Mayroon namang isang binata na ang pangalan ay Amas. Salat sa pera at kayamanan ang pamilya ni Amas subalit mabuti naman ang kalooban niya. Mapagmahal na anak din sa kanyang mga magulang si Amas.
Ang pamilya ni Amas ay nakikisaka sa mga lupain na hawak ng pamilya ni Singka.
Nagkakilala si Singka at Amas minsang ipasyal ng ama niya ang binata sa kanilang lupain. Isa kasi si Amas sa mga masisipag na trabahador ng kanilang pamilya.
Nabihag ng dalaga ang puso ng dalaga kaya gumawa ito ng paraan para magkausap sila. Naisipan ni Amas na magpadala ng mga sulat sa dalaga sa pamamagitan ng ina ng binata. Naninilbihan ang nanay ni Amas a bahay nina Singka.
Sa kabutihang palad ay tumutugon naman si Singka sa mga liham na pinadala ni Amas. Sa ganitong paraan ay nagkamabutihan ang dalawa at nauwi sa pag iibigan nila.
Lumiham ang binata na nais nyang makipagtagpo sa dalaga. Sa dulo ng batis sa likod ng malalaking puno ng narra. Tumupad naman ang dalaga, dumating siya sa pinag usapan.
Nagkamabutihan ng maigi ang dalawa at simula noon ay patago na nagkikita sila.
Ngunit sadyang walang lihim na di mabubunyag. Nalaman ng ama ni Singka ang relasyon ng dalawa.
Galit na galit ang ama ni Singka sapagkat nais niyang mapangasawa ng anak niya ang isang binata na may mayamang angkan.
Dahil dito, pinahinto ng ama ni Singka ang nanay ni Amas na pumasok pa sa kanilang bahay. Lagi namang may kasamang guwardiya si Singka sa lahat ng kanyang pinupuntahan. Pinagpilitan din na ipakasal sa iba si Singka, doon sa mayamang binata.
Nalaman ito ni Amas at isang gabi bago ang kasal ni Singka ay patago niya itong pinuntahan. Napagkasunduan ng dalawa na magtanan na lamang kesa mapakasal si Singka sa isang tao na di naman niya minamahal.
Walang pag-aatubiling sumama si Singka sa kanyang minamahal sapagkat hindi niya nakikita ang sarili sa piling ng ibang lalaki.
Nagtago ang dalawa sa isang nayon sa likod ng isang bundok. Sa isang maliit na kubo malapit sa bundok at di kalayuan sa ilog naisipan nilang magpalipas ng gabi. Walang tao sa kubong iyon, marahil ay lumipat na ang dating may-ari. Matapos makapagpatuyo ng damit ay masayang nag-usap ang magkasintahan.
Sadya namang mapagbiro ang tadhana ng dalawang mag sing irog. Kinagabihan ay umulan ng malakas sa kanilang nayon. Dahil walang tigil ang ulan, gumuho ang gilid ng bundok kung saan nagpapalipas ng gabi ang magkasintahan. Nalibing ng magkasama ang magkasintahan.
Hindi na naisalba ang magkasintahan at napagkasunduan nang makita ang guho kinabukasan na hindi na rin hukayin ang kanilang mga labi at hayaan na lamang na magkasama sila sa kanilang himlayan.
Ilang buwan ang lumipas, isang kakaibang tanim ang natagpuan ng mga taong bayan sa lugar na iyon. Binunot nila ito sa pag-aakalang ito ay isang kakaibang damo ngunit laking gulat nila ng may mga bunga ito sa ilalim ng lupa.
Sabi ng mga tao hugis puso ang mga ito na nagpapaalala sa pagmamahalan nina Singka at Amas. Ang balat naman nito ay nagpapaalala sa kakisigan ni Amas, at ang maputi nitong laman ay nagpapaalala sa kagandahan ni Singka.
Dulot nito kapag kinain ay kakaibang tamis at ang katas ay pamatid uhaw sa mainit na araw.
Mula noon ay tinawag nila itong singkamas bilang pag-alala sa walang hanggang pag-iibigan nina Singka at Amas.
Iba pang Alamat na babasahin: