MARVICRM.COM

Home / Alamat ng Tatlong Kulay ng Tao (Buod)

Alamat ng Tatlong Kulay ng Tao (Buod)


Alamat ng Tatlong Kulay ng Tao (Buod)


Noong unang panahon, noong wala pang tao, gumawa si Batala ng paraan kung saan ang kapaligiran at mga bagay ng mundo ay mapayapa, masaya, at buhay, na pinaniniwalaan niyang kailangan para mabuhay ang mundo. Nagkaroon ng buhay at napagpasyahan na likhain ang tao.


Isang araw, kumuha siya ng tumpok ng lupa, inilagay sa molde at inihurnong sa lutuan. Pagkatapos niyang tignan ang niluto, napansin niyang itim ito at sunog ang katawan. Ang lutong ito ang pinagmulan ng ating modernong kulay na Negro ng tao.

Muling nagsalang si bathala sa lutuan ng tumpok ng lupa na hugis na tao. Dahil nag aalangan si bathala na baka magaya ito sa unang niluto niya ay kaagad niyang inihaon ito habang kalalagay pa lamang ito.


Dahil sa maagang pagkakaluto ay mapusyaw at maputi ang kulay nito. Hinipan niya at binigyan ng buhay ang naluto niya. Ito ang pinagmulan ng kulay ng mga Puti na tao.


Dahil sa karanasan sa naunang dalawang luto ni Bathala ay natantiya na nya ang pangatlong salang para sakto lamang ang pagkakaluto. Hindi niya inilabas ng maaga sa lutuan at hindi rin niya hinayaan na tumagal ito doon. Pagkalabas ng niluto niya ay kulay kayumanggi ito. Dito nagsimula ang kulay natin na Asyano.

 

Iba pang Alamat na pwedeng Basahin:

Alamat ng Araw at Gabi (Buod)

Alamat ng Chocolate Hills (Buod)