Home / Ang Daga at ang Leon (Buod ng Pabula)
Ang Daga at ang Leon (Buod ng Pabula)
Mayroon noong isang daga na labis na malikot at mapaglaro. Isang araw ay may isang Leon na kasalukuyang natutulog ng mahimbing.
Naisipan ng daga na maglaro sa kanynag magagandang balahibo. Umakyat ang daga sa likuran ng Leon at tuwang tuwa ito na naglaro. Nadulas bigla ang daga at nahulog sa harapan ng Leon.
Hindi alam ng daga na nagising ang Leon at bigla siyang sinunggaban sa kanyang buntot.
“Anong ginagawa mo?” sambit ng Leon na halatang na udlot ang mahimbing na tulog. Sa laki ng Leon ay akala ng daga na kakainin na siya nito.
“Sorry po kaibigan, hindi ko sinasadya na abalain ang inyong pagtulog. Nahikayat ako na maglaro lang sa iyong likuran dahil labis na malambot at maganda ito. Huwag mo po akong kainin, parang awa mo napo” sabi ng daga.
Naawa naman at pinakawalan ang daga. “Sige, patatawarin kita pero huwag mo na itong uulit” sambit ng Leon habang inalis na niya ang pagkakahawak sa daga.
“Salamat kaibigan, makakaganti din ako sa kabutihan mo sa akin” sagot ng daga.
Nakalipas pa ang maraming araw at hindi akalain na ang Leon at ang daga ay magkikitang muli. Pero kabaliktaran naman ang situwasyon. Naglalakad noon ang daga sa gubat ng makita niya na me isang hayop na nakabitin sa puno sa pamamagitan ng lambat. Lumapit ang daga at nakita ang Leon na nakilala niya noon.
Nabitag pala ito sa lambat ng isang mangangaso. Kahit anong pagpupumiglas ng Leon ay hindi ito makawala sa kanyang kulungan.
Nagmamadali ang daga na umakyat sa puno sa dulo ng tali ng lambat. Nginatngat ng nginatngat ng daga ang tali hanggang sa malagot ito at mahulog ang nakabitin na Leon sa loob ng lambat.
Nakawala ang Leon sa pagkakahuli sa kanya at laking pasasalamat ang ginawa sa Daga. “Maraming salamat kaibigan Daga, muntik ng manganib ang buhay ko pero tinulungan mo ako”
Aral sa Ang Daga at ang Leon (Buod ng Pabula)
Ang pagtulong sa kapuwa ay nagdudulot ng kabutihan.
Iba pang Pabula na babasahin: