Home / Ang Palaka at ang Kalabaw (Buod ng Pabula)
Ang Palaka at ang Kalabaw (Buod ng Pabula)
Minsan sa isang liblib na kabukiran ay umulan ng umulan. Ilang araw din ito at ang mga hayop sa paligid ay nakatago sa kanilang mga bahay lamang.
Nang humupa na ang ulan, sumikat naman ang araw ng kayganda. Tumubo ang mga damo at maganda ang panahon na.
Lumabas ang isang kulumpon ng mga palaka sa kanilang lungga at namasyal ang mga batang palaka.
Sa kanilang pamamasyal ay nakita nila ang isang kalabaw na kumakain ng mga damo. Akala ng mga batang palaka ay isang malaking palaka din ang kalabaw! Daling umuwi ang mga batang palaka para sabihin ang kanilang nakita sa kanilang ina.
“Nanay, nakakita kami ng pagkalaki laking palaka”, sigawan ng mga batang palaka sa kanilang ina.
“Sigurado kayo? Mas malaki pa ang palaka na iyon kaysa sa akin? Ako ang pinakamalaki sa mga palaka dito sa lugar natin” sambit ng inang palaka
“Sobrang laki po, totoong napakalaki ng palaka na nakita namin nanay, halina po sumama kayo at ipapakita namin sa inyo”
“Sige puntahan natin ang sinasabi ninyong palaka, hindi ako makapaniwala na may lalaki pa sakin” sabi ng inang palaka.
Sama sama ang mag anak na pumunta sa lugar kung saan nila nakita ang palaka. Itinuro ng mga batang palaka ang kumakain ng damo na nakita nila kanina. Nagulat din ang inang palaka sa laki ng nakita nga nila.
“Tignan nyo nga ako”, sambit ng inang palaka habang humihip ng humihip siya ng hangin para lumaki pa siya.
“Tignan nyo nga ulet kung sino ang mas malaki ngayon sa amin?” sambit ng inang palaka.
“Mas malaki po ang palaka na nakikita namin kesa sa inyo inay” sagot ng mga batang palaka.
Muling huminga nang huminga ang Inang Palaka upang madagdagan ang kanyang laki. At kanyang muling tinanong ang maliliit na palaka.
“Mas malaki na ako sa kaniya ngayon diba mga anak?” tanong ng inang palaka.
“Hindi po inay, mas malaki pa din po siya” sambit na sabay ng mga batang palaka.
“Mas lalaki pa ako a kanya” sabi ng inang palaka at umihip pa siya ng umihip ng hangin para lumaki pa siya.
“BANG!” isang malakas na putok ang narinig ng mga batang palaka at napansin nalang nila nila na pumutok ang tiyan ng kanilang ina.
“Kawawang nanay, ayaw niya na makita na may mas higit na malaki pa sa kanya, sumabog tuloy ang kaniyang tiyan” lungkot na sambit ng mga batang palaka.
Aral sa Ang Palaka at ang Kalabaw (Buod ng Pabula)
Huwag mainggit sa iba, baka ikapapahamak mo lamang ang paghahangad ng sobra pa sa meron ka na.
Iba pang Pabula na babasahin: