Home / Ang Tigre at ang Alamid (Buod ng Pabula)
Ang Tigre at ang Alamid (Buod ng Pabula)
Magkasamang naghahanap ng makakain sa kagubatan ang Tigre at ang Alamid. Mahabang oras din ang kanilang inantay para may makakain.
Sa wakas may dumaan na kuneho sa kanilang pinagtataguan at agad nilang hinabol at hinuli ito. Napagtagumpayan naman ng Tigre at Alamid ang paghuli sa Kuneho.
Dala ng gutom ng dalawa ay nagsimula silang mag away kung kanino mapupunta ang kuneho.
Sabi ng Alamid, “Tigre sa aking ang kuneho na ito, dahil sa sobrang gutom ko ay kukulangin pa ito pag naubos ko” sabay kalmot sa Tigre ng Alamid.
Sumagot naman ang gutom na Tigre, “Hindi sa aking ang kuneho na ito Alamid” sabay kagat naman ng Tigre sa Alamid. Ang kuneho na pinagaawayan ng dalawa ay takot na takot at di makakilos at di din alam ang gagawin. Patuloy na nag away ang Tigre at alamid.
Dahil sa ingay ng dalawa ay napapunta sa lugar nila ang Leon. Inawat niya ang dalawa. “Bakit ba kayo nag aaway Tigre at Alamid” tanong ng Leon.
"Dahil dapat sa akin ang kuneho dahil ako ang unang nakakita dito." ang sigaw ng Tigre. "Hindi, sa akin dapat dahil ako ang unang humabol dito" ang sigaw ng Alamid.
Pagkasabi noon ay napahagalpak ng tawa ang Leon. “Dahil sa abala kayo sa pag aaway, nawala na ang pinaawayan nyo na kuneho” sabi ng Leon. Tinuro ng Leon ang papalayo na kuneho.
Natingin ang Tigre at ang alamid at malayo na nga sa kanila ang kuneho at di na nila ito mahahabol pa.
Nagsisi nalang ang dalawang magkaibigan at natuto sa kanilang leksyon.
Iba pang pabula na babasahin: