MARVICRM.COM

Home / Hercules at ang Lernaean Hydra (Buod)

Hercules at ang Lernaean Hydra (Buod)


Source: Artstation


Hercules Slaying the Lernaean Hydra (Buod) Pangalawang Gawain


Noong mga panahong iyon ay may isang halimaw na naninirahan sa mga latian ng Lerna na nanalasa sa kanayunan na kumakain ng mga baka. Ito ay kilala bilang ang Hydra. Para sa kanyang ikalawang paggawa, inutusan ni Eurystheus si Hercules na alisin sa mundo ang mandaragit na halimaw na ito.



Dala ang kanyang pamangkin, si Lolaus (isang nabubuhay na anak ng kapatid ni Hercules na si Iphicles), kasama ang kanyang karwahe, si Hercules ay nagdesisyon na patayin ang halimaw. Nahirapan si Hercules sa lakas ng halimaw. Hindi basta basta matatalo ni Hercules ang halimaw sa pamamagitan ng palason o paghampas dito. Kailangan nyang alamin ang dahilan kung bakit ang Halimaw ay hindi basta basta makontrol ng normal na mortal.



Ang Lernaean Hydra monster ay may siyam (9) na ulo; 1 sa mga ito ay walang kamatayan. Kung sakaling maputol ang isa sa kanila, mga mortal na ulo, mula sa pinagputulan ay lalabas kaagad ng 2 bagong ulo.



Ang pakikipagbuno sa hayop ay lubhang mahirap dahil, habang sinusubukang salakayin ang isang ulo, kinakagat naman ng isa pa ang binti ni Hercules gamit ang mga pangil nito. Hindi pinansin ni Hercules ang pagkirot sa kanyang mga paa at humingi sya kay Lolaus ng tulong, sinabihan ni Hercules si Lolaus na sunugin ang leeg sa sandaling matanggal ang ulo ni Hercules.

Dahil sa pagsunog sa pinaputulan ng ulo napigilan sa muling pagtubo ang ulo na naputol na. Nang ang lahat ng walong mortal na leeg ay walang ulo at nasunog ito, hiniwa ni Hercules ang imortal na ulo at ibinaon ito sa ilalim ng lupa para dina mabuhay pa ito. Pinatungan niya ng bato sa ibabaw upang mapilan ito na bumangon pa ulet.



Pagkatapos ng gawain na ito, bumalik si Hercules kay Eurystheus para sabihin ang nangyari. Pero hindi tinanggap ni Eurystheus ang gawain na ito kasi humingi siya ng tulong kay Lolaus.


Iba pang Mitolohiya na babasahin:

Ang Minotaur Bull Head Man (Buod)

Hercules at ang Erymanthian Boar (Buod)

Hercules at ang Lernaean Hydra (Buod)

Hercules at ang Ceryneian Hind (Buod)

Ang labindalawang gawain ni Hercules (Buod)

Cupid and Psyche (English Version)