Home / Hercules at ang Ceryneian Hind (Buod)
Source: Artstation
Ikatlong gawain ni Hercules: Capturing the Ceryneian Hind
Ang Golden-horned Ceryneian hind ay sagradong hayop ni alaga ni Artermis.
Noong panahon na iyon ay lumitaw ang isang di-matang usa sa mga kalapit na lupain. May matitigas na tansong kuko at ginintuang sungay ito. Ang tanong ay saan siya nanggaling. Lumalabas na ang diyosa ng pangangaso (Artemis) ay nagalit sa mga tao at ipinadala sa kanila ang hayop na ito bilang isang parusa. Sa paglipas ng mga araw, tumakbo ang usa sa kalapit na teritoryo, at sinira ang mga kagubatan at bukid.
Inutusan ni Eurystheus si Hercules na dalhin ito sa kanya nang buhay ang Ceryneian. Madali lang sana na patayin ang halimaw para kay Hercules, ngunit ang pagkuha nito ay napatunayang mahirap.
Pagkatapos ng isang taon ng pagsisikap na makuha ito, hindi nakapagpigil si Hercules at tinira niya ito ng isang palaso—mabuti la lamang at ang ginamit na pana ni Hercules ay hind isa sa mga nauna niyang isinawsaw sa dugo ng hydra.
Ang palaso ay hindi nakakamatay pero dahil nasakta ito nagdulot ito ng galit sa diyosang si Artemis. Gayunpaman, nang ipaliwanag ni Hercules ang kanyang misyon, naunawaan niya, at hinayaan siya. Kaya niya nagawang dalhin ang hayop na buhay kay Mycenae at Haring Eurystheus.
Iba pang babasahin ukol sa Mitolohiya