MARVICRM.COM

Home / Mga Babae sa Buhay ni Gat Jose Rizal

Mga Babae sa Buhay ni Gat Jose Rizal

Source: Google Images

Mga Babae sa Buhay ni Gat Jose Rizal

Bukod sa likas na pagmamahal ni Gat Jose Rizal sa bansang Pilipinas hindi maikakaila na isa sa mga naging katangian niya ay ang madali siyang hangaan ng ibat ibang dalaga dahil naman sa personal na katangian niya. Mayroon siyang karisma sa mga dalaga kaya napapa ibig din niya ang mga ito.

Isang magaling na doktor, pintor, maraming alam na linggwahe, inhenyero, iskulptura, makata, mananalaysay  si Rizal. Sa dami ng alam niya tinawag din siyang polymath o madunung sa siyensya at teknolohiya. Katangian na bibihra lang sa mga tao ng panahon na iyon na labis na kahanga hanga sa mga dalagita kahit saang bansa man siya nakatira.


Sa mga binata na wala pang girlfriend matuto tayo kay Rizal, palawigin ang personal na kaalaman at hindi lang ang pag lago ng kakayahan ang makakamtam kundi pati pagtingin ng mga kababaihan. Hindi lang maginoo at medyo bastos diba?


1.      Segunda Katigbak


Si Segunda Katigbak ay taga Lipa Batangas. Labing apat na taong gulang palang ang dalaga ng makilala ni Rizal.

Tuwing Huwebes at Linggo, pumunta si Rizal sa Colegio de la Concordia, kung saan nakatira ang kanyang mga kapatid na sina Olimpia at Segunda. Sa panahong ito, lubos na umibig si Rizal kay Segunda.

Nagkamabutihan naman ang dalawa ng panahon na ito pero si Segunda ang isa sa mga nagbigay ng pighati sa puso ni Rizal noon. Nakatakda pala ikasal noon si Segunda sa inireto ng kanyang mga magulang na si Manuel Luz. Pero alam ni Rizal na ayaw ni Segunda Katigbak kay Manuel. Wala ng magawa si Rizal at di niya naipagtapat ang kanyang nararamdaman dito. Ikinasal ng tuluyan sa iba si Segunda Katigbak


2.      Julia


Isa sa mga childhood crush noon ni Rizal si Julia. Halos magkaedad lang sila noon, labing apat na taon si Julia at labing lima naman si Rizal. Nagkakilala sila ni Rizal sa isang ilog sa Los Banos ng minsan mapadpad dito si Rizal. Lubhang bata pa sila ng mga panahon na ito. Magkasama sila sa pagpasyal sa ilog at paghuli ng paro paro. Panandalian lamang ang pagtatangi na ito kasi kaunting panahon lang naman silang nagkasama


3.      Leonor Valenzuela


“Orang” ang palayaw ni Leonor Valenzuela. Nakilala ni Rizal si Leonor o Orang Valenzuela noong siya ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas. Ang bahay ni Valenzuela ay malapit sa tinitirhan ni Rizal at kung saan laging naroon ang kanyang mga kaibigan. Unti-unting nahuhulog ang loob ni Oran kay Rizal dahil sa talino ni Jose.

Mayroong sekreto na pamamaraan noon si Jose para makausap si Orang. Nagpapalitan sila ng sulat ng panahon na ito pero may kakaiba sa sulat na ito. Invisible ang sulat!

Iniaabot ni Rizal kay Orang ang mga kahel na letrang nakasulat sa tinta na nakikita lamang niya sa pamamagitan ng paghawak ng kandila. Noong panahon na ito gugustuhin ni Rizal na makita si Orang bilang isang kaibigan kaysa sa isang manliligaw niya sapagkat me isang Leonor na siyang tinatangi noon si Leonor Rivera.


4.      Leonor Rivera


Sa mga nabasa ko na litiratura, may mga nagsasabi na magkababata ang dalawa, pero mas marami ang nakapagsabi na magpinsan ang dalawa. Hindi masyadon pinapansin ni Jose si Leonora ng kanilang kabataan pero paglipas ng panahon ay nagdadalaga na ito at kapansin pansin ang ganda ni Leonar.

Dumating ang panahon na nagkaibigan ang dalawa at para hindi sila mapansin, pinangalanan ni Rizal si Leonor na “Taimis”. Mahigpit pa kasi ng mga panahon na iyon at di nila basta basta masasabi na magkasintahan na sila.

Nag umpisa nading maging mature ang pag iisip ni Rizal dahil lumalabas na ang kanyang pagka nasyonalista. Noong 1882 hindi ba nalaman natin na umalis papuntang Europa si Rizal. Hindi niya ito ipinaalam kay Leonor. Dahilan para labis na magdamdam ang dalaga.

Nabansagang Pilubestero si Rizal dahil sa mga gawain niya ng magumpisa na sya sa Europa. Dahil dito nawalan ng amor kay Rizal ang mga magulang ni Leonor. Tutol na sila ngayon sa pag iibigan ng dalawa.

Hinarang din ng mga magulang ni Leonor ang sulat galing kay “Pepe” at hindi ito alam ni Leonor kaya akala ng dalaga ay ayaw na sa kanya ni Rizal.

Napakasal tuloy si Leonor sa inireto ng mga magulang niya sa isang Ingles na si Henry Kipping. Isa sa mga pinakamatagal na relasyon ni Rizal sa isang babae ang kanilang pag -iibigan kasi tumagal ito ng labinlimang taon.


5.      Consuelo Ortiga Perez


Si Consuelo ay prominenting dalaga kasi anak siya ng Mayor ng Manila noon na si Don Pablo Ortiga Rey.

Noong panahon na ito ay malungkot si Rizal kasi kakakuha niya ng balita na nagpakasal na nga si “Taimis” o Leonor Rivera. Nagkakilala sila ni Consuelo sa Madrid.

Pero hindi lang si Rizal ang umibig sa dalaga pati sina Eduardo de Lete, Antonio at Maximino Paterno ay humanga din sa dalaga. Ang magkaribal na Lete at Rizal ay nagkaroon pa ng paligsahan kung sino ang iibigin sa kanilang dalawa ay irerespeto nila ito.

Si Lete ang naka kuha ng pagtatangi ng dalaga. Gumawa ng tula si Rizal na naka dedicate kay Consuelo na pinamagatang A la Señorita C. O. y R. Isa ito sa magagandang tulang naisulat ni Rizal ng mga panahon na iyon. Dala padin ni Rizal ang dalamhati sa nangyari sa kanila ni Leonor kaya panibagong dagok ito sa ating bayani.


6.      Usui Seko


Kung si Leonor and first love ni Rizal, si Usui Seko ang sya namang true love ni Rizal. Nang pabalik sa Europa si Rizal noong 1888, nagkakilala ang dalawa na ito. Isa ito sa pinakamasaya na bahagi ng buhay ni Rizal, muntik na nga din niyang pakasalan si Usui dahil likas na malambing sa kaniya ang dalaga.

Tinulungan ni Usui si Rizal na magsalita ng maigi sa Japanese at ang traditional Japanese painting na su-mie. Hindi pa marunong sa nihonggo si Rizal noon pero nakakapag usap sila ng salitang French at English kaya nagkamabutihan sila.

Nang umalis na sa Japan si Rizal para ituloy ang kanyang makabayang adhikain, nanatili padin na single ang dalaga, nagpakasal lang ito ng isang taon matapos mabalitaan na na-execute na si Rizal sa isang British na si Alfred Charlton noong 1897.

Eto ang sinulat ni Rizal para kay Seko

“Nabighani ako ng Japan. Ang magagandang tanawin, ang mga bulaklak, ang mga puno, at ang mga naninirahan – napakapayapa, napakagalang, at napakasaya. O-Sei-San, Sayonara, Sayonara! Ginugol ko ang isang maligayang ginintuang buwan; Hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng ganoon sa buong buhay ko. Pag-ibig, pera, pagkakaibigan, pagpapahalaga, karangalan—hindi ito nagkukulang. Isipin na aalis ako sa buhay na ito para sa hindi tiyak, hindi alam. Doon ako inalok ng madaling paraan ng pamumuhay, minamahal at iginagalang…”


7.      Gertrude Beckett


Naging kaibigan ni Rizal si Charles Beckett nong nasa London pa ito. Parehas silang me pag kanasyonalismo kaya nagkasundo ang dalawang manunulat na ito. Si Charles ang ama ni Gertrude Beckett. Tatlo silang magkakapatid at si Getti and panganay. Araw araw ay dinadalhan ng almusal ni “Getty” si Rizal bilang isang panauhin ng kanyang kaibigan. Dito nagkahulugan ng loob ang dalawa. Pero labis na napamahal si Gertrude kaya umiwas si Rizal at lumipat ng Paris. Natapos nya ang iskultura ng tatlong magkakapatid at pinadala niya ito kay Gertrude bilang alaala.


8.      Nellie Boustead


Naging bisita ulet si Rizal ng isang pamilya nagngangalang Boustead sa siyudad ng Biarritz.

Merong dalawang dalaga na anak si Ginoong Boustead. Madalas mag-fencing ang mga ito at nalaman na mahilig din dito si Riza.

Noon ay nakikipag-fencing  si Rizal sa mga kapatid sa kasama si Juan Luna. Si Antonio Luna, kapatid ni Juan at madalas ding bumibisita sa Bousteads, ay niligawan si Nellie ngunit hindi sa kanya may gusto ang dalaga kundi kay Rizal. Sa isang party na ginanap ng mga Pilipino sa Madrid, isang lasing na si Antonio Luna ang nagbitaw ng hindi magandang salita laban kay Nellie Boustead.

Nagalit si Rizal at hinamon si Antonio Luna dito. Buti hindi pumayag si Antonio dito at napigila ang kanilang pag aaway.

Hindi natuloy ang kanilang pag iibigan dahil ayaw mag convert ni Rizal bilang isang Protestante. Ayaw din ng nanay ni Nellie sa isang doktor na di naman kumikita sa kanyang mga pasyente. Naghiwalay nalang sila bilang magkaibigan.


9.      Suzanne Jacoby


Lumipat sa Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889 dahil sa mahal ang  mamuhay sa Paris. Namalagi siya sa tahanan ng dalawang magkapatid na sina Marie at Suzanne Jacoby. At katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa kanya. Ngunit noong Hulyo 1890, umalis si Rizal patungong Madrid at naiwan si Suzanne na nagdadalamhati. Sumulat si Suzanne kay Rizal ng nasa Madrid na siya


10.  Josephine Bracken


Nagkakilala si Rizal at Josephine Bracken ng magpagamot ang kanyang tatay kay Rizal. Kilala na noon na magaling na manggagamot si mata si Rizal. Si Josephine ay anak ni George Taufer na taga Hongkong na pumunta pa ng Dapitan para mag pagamot dito.

Malungkot noon sa Dapitan si Rizal at ang pagdating ng isang dalaga sa kaniyang lugar ay labis na nagbigay buhay ulet sa kanya. Umibig siya kay Josephine.

Tutol ang mga babaeng kapatid ni Rizal kay Josephine kasi akala nila ay ispiya siya ng mga Paring Kastila noon.

Nagkamabutihan na sila noon ni Rizal pero kinailangan umalis ni Josephine kasama ang kanyang ama para maghanap pa ng mapapa gamutan. Umalis si Josephine sa Dapitan pero nanatili siya kinalaunan sa Maynila

Humingi ng basbas si Rizal sa isang pari (Antonio Obach)  para makasal sila noon        pero di pumayag ang pari hanggat hindi nangungumpisal si Rizal. Di kalaunan hiningi nalang ni Rizal ang basbas ng kaniyang magulang na magsama nalang silang dalawa. Pumayag naman ang pamilya ni Rizal.


Basahin ang Talambuhay ni Rizal:

Talambuhay Ni Jose Rizal (Buod)

Talambuhay Ni Manuel L. Quezon (Buod)

Talambuhay Ni Ramon Magsaysay Sr. (Buod)

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo (Buod)


Back to Home Page >>