MARVICRM.COM

Home / Rama at Sita (Buod ng Epiko)

Rama at Sita (Buod ng Epiko)



Rama at Sita (Buod ng Epiko)

Noong unang panahon ay may mag asawang ang pangalan ay Rama at Sita. Pinatapon sila ng Haring Ayodha sa kagubatan dahil sa pagsuway sa kaniyang mga utos. Kasama nila na naipatapon sa kagubatan na ito si Lakshamanan, kapatid ni Rama.

Sa gubat kung saan pinatapon ang tatlo ay may kalapit na kaharian na pinamumunuan ng isang malupit na hari. Ang hari ay si Ravana. Nakakatakot na hari ito kasi may 10 na ulo at 20 na kamay ito. Meron isang kapatid ang Hari Ravana na ang pangalan ay Surpnaka na nagkagusto kay Rama. Nagpanggap ito na isang babae minsan at tinukso niya si Rama. Natuklasan ni Rama na ito ay si Surpnaka. Nagkaroon ng patatalo at nasugatan ni Lakshamanan si Surpnaka. Nasugatan niya ito sa ilong at tainga.

Dahil sa tinamong sugat at kahihiyan sa ginawa niya, nagsumbong si Surpnaka sa kapatid naman niyang si Haring Ravana. Binago niya ang kwento ng pangyayari para panigan siya ng kaniyang kapatid.


Ginawa niya ito para maka pag higanti kina Rama at makuha ang simpatiya ng kapatid na si Ravana.

Nangako naman si Ravana na tutulong siya. Nag utos siya kay Maritsa isang mahiwagang nilalang na kayang magbagong anyo.

Nagpanggap si Maritsa na isang ginintuang Usa.


Nagpakita ang gintong Usa kina Rama, Sita at Lakshamanan. Ginusto ni Sita ang gintong usa at inutusan si Rama na sundan ito para hulihi. Habang hinahabol ni Rama ang Usa, nakabantay naman si Lashamanan kay Sita.

Natagalan na makabalik si Rama kaya kinabahan si Sita at inutusan si Lakshamanan na sundan ang kaniyang kapatid. Naiwang mag isa si Sita.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ravana na lapitan si Sita dahil siya lang ang naiwan sa ngayon. Nagpanggap na isang matandang Brahmin si Ravana.


Dahil sa ganda ni Sita ay nahikayat si Ravana na alukin ito na maging reyna na niya si Sita. Tumanggi naman si Sita dahil meron na siyang iniibig.

Dahil sa pagtanggi ni Sita, napilitan si Ravana na hulihin si Sita. Sa pamamagitan ng karwaheng may pakpak ay dinala niya si Sita sa kanyang kaharian. May Agila na humbol kina Ravana pero dahil malakas siya ay napatay ang Agila.

Nakabalik ang magkapatid na Lakshamanan at Rama pero nagulat ng wala silang madatnan na Sita. Nakita nila ang naghihingalo na Agila at bago mamatay pala ay naisumbong niya sa magkapatid kung nasaan si Sita.


Para mabawi si Sita, humingi ng tulong ang magkapatid sa mga unggoy sa gubat at sinalakay ang palasyo ni Ravana. Isang mahabang paglalakbay at pakikibaka ang naganap. Mayroong pagkakataon na hindi sila makatawid sa isang bangin at nagtulong tulong ang mga unggoy at hayop na magkaroon ng tulay na madadaanan pa.

Nanalo sila sa paglusob at nabawi ng magkapatid si Sita.


Aral sa Epiko ng Ramat at Sita

Napakahalaga ng kwentong Rama at Sita dahil itinuturo nito sa atin kung gaano kahalaga ang kabutihan kaysa kasamaan. May mga aral din ng tiyaga at pangako sa mga taong pinapahalagahan natin. Mahalaga rin ang kwento dahil tampok dito si Rama, isa sa mga avatar ni Vishnu.


Iba pang babasahin:

Indarapatra at Sulayman (English Version)

Cupid and Psyche (English Version)

Biag Ni Lam-Ang (Buod)