Home / Sanaysay Halimbawa ng Mga Sangkap at Bahagi
Source: Google Images
Sanaysay Halimbawa ng Mga Sangkap at Bahagi
Sangkap ng Sanaysay
1. Mga Tema at Nilalaman ng Sanaysay
Anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinutiring na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat neto at kaisipang ibinabahagi
2. Anyo at Istraktura ng Sanaysay
Ang anyo sa istraktura ng Sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa. Ang maayos na pagkakasunod sunod ng ideya o mga pangyayari ay makakatulong sa nagbabasa para maunawaan ang sanaysay.
3. Wika at Istilo
Ang uri at antas ng istilo ng pagkagamit nito ay nakakaapekto din sa pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matatag na pahayag.
Mga Bahagi ng Sanaysay
1. Panimula ng Sanaysay
Ito ang pinakamahalagang bahagi ng sanaysay sapagkat ito ang unang makikita ng magbabasa ng sanaysay. Dapat nakakapukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
2. Katawang ng Sanaysay
Ang bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay. Dapat na maipaliwanag ng maigi ang mga puntos upang maunawaan ng maigi ng mambabasa.
3. Wakas ng Sanaysay
Dito nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito nahahamon ang pag iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Related Post: