MARVICRM.COM

Home / Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)

Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)


Source: Google Images


Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)


Noong unang panahon, katatapos lamang magtrabaho ni Kalabaw sa kabukiran. Tanghaling tapat at mainit ang sikat ng araw. Naisipan ni Kalabaw na maglunoy sa tubigang maputik. Pagkatapos nyang magtampisaw ay sumilong na sya sa isang puno at doon ay nakatulog siya.

Mahimbing na nakatulog si Kalabaw, pero saglit lang at nagising siya sa kati at kagat ng mga lamok.

“Mga lamok, andiyan na naman kayo. Bakit ba gustong gusto ninyo akong kagatin. Ang kati pa ng mga kagat ninyo. Pwede ba, umalis kayo sa likuran ko” sambit ni Kalabaw.


“Aba kalabaw, nabubusog kami sa iyo, ang sarap mong kagatin kasi mataba at malaki ang iyong katawan”, sabi ng mga lamok.

At parami nang parami ang mga lamok na dumapo at kumagat sa likod at leeg ng Kalabaw. Hinampas ni Kalabaw ng buntot niya ang mga lamok. Ngunit ang likod at leeg lamang ni Kalabaw umalis ang mga lamok, kung saan hindi umabot ang buntot, ay lumipat lang sila doon. Galit na galit si Kalabaw sa lamok ngunit wala siyang magawa.  

Nasa ganitong kalagayan si Kalabaw ng makita siya ni Tagak. Naawa siya kay kalabaw.

“Kaawa awa ka naman Kalabaw, tutukain ko ang mga makukulit na lamok na iyan, tutulungan kita” sambit ni Tagak.

“Maraming salamat sa tulong mo” sagot ni Kalabaw.


Inisa isa ni Tagak na tukain ang mga lamok sa likuran ni Kalabaw. Madami din syang natuka sa leeg, ulot at paa ni Kalabaw.

“Hayan Kalabaw, naubos din ang mga lamok na nagpapahirap sa iyo. Natuka ko na sila lahat” wika ni Tagak.

Tuwang tuwa si Kalabaw at sobrang ginhawa ang kanyang naramdaman sa tulong ni Tagak. “Magmula ngayon makakatung tong kana sa likuran ko” pasasalamat ni Kalabaw.


At dahil dito naging mabuting magkaibigan si Tagak at si Kalabaw. Sa tuwing magkikita sila ay tinutuka ni Tagak ang mga lamok na dumadapo kay Kalabaw. Hinahayaan naman siya ni Kalabaw na nakasay sa likuran ni Kalabaw.

Minsan ay bumuhos ang ulan habang nasa likuran ni Kalabaw si Tagak. “Tagak, sumilong ka sa ilalim ko. Malaki ang katawan ko kaya dika mababasa diyan” sambit ni Kalabaw.


Nagpasalamat si Tagak, “Maraming salamat Kalabaw kay buti mo”.

“Ang magkaibigan ay nagtutulungan sa oras ng pangangailangan” sambit ni Kalabaw


Aral sa Pabula ng Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)

Kung ano ang gusto mong gawin sa iyo ng iba ay gawin mo din sa kanila lalo na at sa ikaka buti ng bawat isa.


Iba pang Pabula na pwede mong basahin:

Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)

Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)