MARVICRM.COM

Home / Talambuhay ni Apolinario Mabini (Buod)

Talambuhay ni Apolinario Mabini (Buod)


Talambuhay ni Apolinario Mabini (Buod)

Isa sa mga kagalang galang na bayani ng Pilipinas si Apolinario Mabini. Kahit siya ay isang lumpo, naipaglaban niya ang maka pilipinong adhikain. Tinawag din sya na “Pambansang Paralitiko” ng Pilipinas.


Ipinanganak si Apolinario noong Hulyo 23, 1864 sa Tanauan, Batangas. Ang kanyang ama at ina na sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan ay parehong magsasaka.


Maikling Talambuhay ni Apolinario Mabini

Born: July 23, 1864, Talaga, Tanauan, Philippines
Died: May 13, 1903 (age 38 years), Manila, Philippines
Previous offices: Prime Minister of the Philippines (1899–1899), Secretary of Foreign Affairs of Philippines (1899–1899)
Full name: Apolinario Mabini y Maranan
Education: Colegio de San Juan de Letran, University of Santo Tomas (UST), UST Faculty of Civil Law
Parents: Dionisia Maranan, Inocencio Mabini
Siblings: Alejandro Mabini, Prudencio Mabini


Binigyan siya ng katalinuhan mula sa murang edad. Mahirap, ngunit nang makapasa siya sa pagsusulit, nakapag-aral si Apolinario sa Kolehiyo ng San Juan de Letran. Libre ang pagsasanay, ngunit kailangan mong bumili ng pagkain, damit at kagamitan. Kinailangan niyang magturo ng Latin sa mga pribadong paaralan sa Maynila, Bauan at Lipa.


Matapos matagumpay na makumpleto ang kanyang Bachelor of Arts, natanggap niya ang kanyang Bachelor of Law mula sa Unibersidad ng Santo Tomas. Malaking pera ang ginastos ni Apolinario bilang isang law student, kaya pumasok siya sa unang pagkakataon bilang stenographer at secretary sa opisina ng Intendencia General.


Ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan ang nagbalik sa kanya sa La Liga Filipina noong 1863. Nang palitan ito ng Cuerpo de Compromisarios noong 1864, si Apolinario ay nahalal na kalihim ng organisasyon. Ang nabanggit na organisasyon ay naglalayon na magbigay ng moral at pinansyal na suporta sa mga aktibistang Pilipino sa Espanya.


Sa dami ng gawain sa trabaho at pag aaral at patuloy na pagsuporta sa Propaganda, natapos padin niya ang pag aarala ng Abugasya noon 1895.

Nagkasakit ng malubha si Apolinario Mabini habang namamasukan bilang isang notario publico. Dito nya nakuha ang sakit na Polio na naging dahilan ng kanyang pagkakalumpo.


Pero hindi natinag ang adhikain ni Apolinario para sa pagmamahal sa sariling bansaat ipinagpatuloy niya ang pagtulong sa rebulosyonaryo.

Nang malaman ng mga Guardia Civil ang pakikisangkot niya sa pagpapalaya ng bansa ay inaresto ang "Dakilang Paralitiko." Kung hindi sa kaniyang karamdaman, maaaring naparusahan siya ng kamatayan. Sa mismong Ospital ng San Juan de Dios kung saan siya ginagamot pinamalagi siya bilang bihag.


Matapos palayain, pansamantala siyang nanirahan sa Laguna upang maglunoy paminsan-minsan sa maligamgam na mga batis ng Los Banos.

Ang likas na talino ni Apolinario ay pinatingkad nang sumulat siya ng mga artikulo para sa mga rebolusyonaryong pinuno. Nakatulong ang lathalain na ito na nagpakita ng pagiging isang malayang bansa ng Pilininas. Kung matalo ng Estados Unidos sa pakikipagdigma sa Espanya, malaking tulong ito. Bilang isang magaling na pilipino sa larangan ng batas, tinawag ni Pangulong Aguinaldo si Apolinario at hinirang siya bilang isang tagapayo.


Sa ilalim ng pagiging tagapayo  ni Apolinario kay Pangulong Aguinaldo, isa sa mga natatanging rekomendasyon na nagawa niya  ay ang pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, naging rebolusyonaryo ang porma ng pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga lalawigan, munisipalidad, hukuman at pulisya.


Malaking tulong ito sa Pilipinas para sa kinakailangan na reporma para di na magkaroon ng mga labag sa batas na gawain ang gobyerno.

Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.


Dalawa sa mga mahahalagang dokumentong naiambag ni Apolinario ang El Verdadero Decalogo at Programa Constitucional de la Republica Filipina. Ang Decalogo ay naglalayong gisingin ang damdamin ng mga Pilipino. Samantala, ang Programa Constitucional ay naglalayong isulat ang isang konstitusyong susundin ng mga Pilipino upang malaman nila ang kanilang mga karapatan at obligasyon bilang mga mamamayan.


Dalawang taon din siyang naging bihag pandigmaan. Nang matuloy ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Apolinario sa Cuyapo, Nueva Ecija kung saan nasundan siya ng mga Amerikano.

Matapos palayain, tumira ang Dakilang Paralitiko sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila. Sa sobrang pagmamahal sa Pilipinas, sumulat sa pahayagang El Liberal ang matalinong abugado. Ang mga makabayang opinyon niya ang naging dahilan upang ipatapon si Apolinario sa Guam.


Isang mataas na posisyong pampamahalaan ang ibinibigay kay Apolinario ng Pamahalaang Amerikano pero tinalikuran ito ng Dakilang Paralitiko. Minarapat niyang mamalagi sa kaniyang munting dampa na malaya kahit maralita.


Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 na isang dakilang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo. Pagkatapos nito ay idineklara siyang isang Bayani.

Mayroong apat na Munisipalidad sa Pilipinas ang ipinangalan kay Apolinario Mabini

-          Mabini Batangas

-          Mabini Bohol

-          Mabini Davao De oro

-          Mabini Pangasinan


Tinagurian din na “Utak ng Himagsikan” si Apolinario Mabini dahil sa pagiging advisor niya ng panahon ng rebolusyonaryong gobyerno.


Source: Talambuhay.net


Iba pang Talambuhay na babasahin:

Talambuhay Ni Jose Rizal (Buod)

Talambuhay Ni Andres Bonifacio (Buod)


Back to Home Page >>