MARVICRM.COM

Home / Talambuhay ni Emilio Jacinto (Buod)

Talambuhay ni Emilio Jacinto (Buod)


Talambuhay ni Emilio Jacinto (Buod)

Maraming Pilipino ang hinirang na bayani ng panahon ng rebolusyonaryong gobyerno sa Pilipinas. Isa sa pinakabatang bayani natin ay si Emilio Jacinto. Tinagurian siyang “Utak ng Katipunan”. Labing siyam na taong gulang palang siya ng makuha ang karangalan na ito. Disyesyete lang noon si Emilio ng sumali sa Katipunan.

Ipininganak si Emilio Jacinto kina Mariano Jacinto (isang tagatala) at Josefa Dizon noong Disyembre 15,1875 sa may Trozo Manila.


Dahil sa matalinong bata si Emilio Jacinto ay iginapang ng kanyang mga magulang ang kaniyang pagaaral. Unang nag-aral si Emilio sa pribadong eskwelahan ni Maestro Pascual Ferrer. Tinapos niya sa Letran ang kaniyang kursong batsilyer. Ang abugasya ay kinuha naman niya sa UST. Pero kalaunan ay di niya natapos ang abugasya na kurso.

 

Naging kaklase ni Emilio Jacinto sina Sergio Osmena at Manuel Quezon sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Naging kalihim si Emilio ni Andres Bonifacio. Nang sumapi si Emilio sa Katipunan noong 1894 ay tinanggap niya ang bansag na "Pingkian."


Si Emilio Jacinto ay nasa Sigaw ng Balintawak kasama si Andres Bonifacio, ang Kataas-taasang Pangulo ng Katipunan, at iba pang mga miyembro nito na nagpahiwatig ng pagsisimula ng Rebolusyon laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa mga isla.

Isa sa pinakabatang miyembro ng KKK si Emilio Jacinto. Humawak siya sa KKK ng iba't ibang posisyon: bilang kalihim, piskal at editor. Si Emilio Jacinto ay kilala bilang editor ng pahayagan ng Katipunan na kilala sa tawag na "Kalayaan." Bilang manunulat-pulitikal, siya ang awtor ng pamasong Liwanag at Dilim at ng tulang A La Patria. Siya  din ang may akda ng Kartilya ng Katipunan.


Gamit ni Emilio Jacinto ang pangalang “Dimasilaw” sa kanyang mga panunulat.

Noong Agosto 30, 1896 si Emilio ang utak sa unang paglusob ng mga katipunero sa garisong Espanyol sa San Juan del Monte.

Tampok sa mga gawain ni Emilio bilang rebolusyonaryo ang pangangalap ng baril, bala, papel at tinta. Siya rin ang namamahala sa pangingilak ng salaping ginagastos sa pakikidigma.


Mayroong isang insidente kung saan ipinakita niya ang kanyang katalinuhan.

Minsang nakipagbarilan si Emilio sa mga manunudlang Kastila sa Laguna ay tinamaan siya sa hita at dinala sa Simbahan ng Sta. Cruz. Matapos gamutin at imbestigahan ng mga Kastila ay ipinakita niya ang isang pasaporte ng isang espiyang puti na nagngangalang Florentino Reyes. Ang nasabing pasaporte ay pag-aari ng espiyang nadakip ni Emilio sa sagupaan sa Pasig.


Sa pagpapanggap ni Emilio, naisalba niya ang buhay sa oras ng kagipitan.

Nang pamunuan ni Emilio ang mga rebolusyonaryo sa Majayjay, Laguna ay dinapuan siya ng malaria. Ito ang naging dahilan ng kaniyang kamatayan. Sa maraming sundalong pinamunuan ni Emilio, kinilala ang kaniyang talino, tapang at dangal.


Isang tunay na bayani si Emilio Jacinto na lalong kilala sa tawag na "Pingkian ng Katipunan" at "Dimas-ilaw ng Literaturang Pandigmaan."

Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na Malaria noong April 16, 1889 sa Magdalena Laguna.


Iba pang Talambuhay na babasahin:

Talambuhay Ni Ramon Magsaysay Sr. (Buod)

Talambuhay ni Emilio Aguinaldo (Buod)


Back to Home Page >>