MARVICRM.COM

Home / Ang Inahing Manok (Buod ng Pabula)

Ang Inahing Manok (Buod ng Pabula)

Source: Artstation


Ang Inahing Manok (Buod ng Pabula)

Sa isang lugar malapit sa sakahan, may isang manok ang nakakita ng mga nahulog na palay ng magkaroon ng anihan.

Gustong itanim ito ng inahin pero mukhang madami at mapapagod sya ng husto kapag siya lang ang gumawa.

Nakiusap siya sa kanyang mga kasamahan na naroon din nakatira malapit sa kanila. Pinakiusapan niya ang Bibe, ang Baboy, ang kambing at ang Pusa.


Pero mukhang abala sa paglalaro ang mga ito kaya hindi pinapansin si Manok.


Nalungkot si Manok kasi walang gustong tumulong sa kaniya. Napilitan nalang si Manok na itanim ang mga butil ng palay na napulot niya.

Ilang panahon ang lumipas at maganda ang naging resulta ng pagtatanim ng inahing manok. Luntian ang kulay ng mga dahon ng palay at ginintuan ang mga butil nito.

“Mukhang panahon na para anihin ang mga palay na ito” sambit ng Manok.

Pero dahil madami ang tumubo na palay ay lubhang mapapagod lang si Manok kapag siya lamang ang nag ani ng mag isa. Naisip niya ulet ang mga kapitbahay niya at humingi siya ng tulong dito.


Hindi padin siya pinansin ng mga kapitbahay niyang sina Pusa, Bibe, baboy at kambing.


Napilitan si Inahing Manok na siya nalamang ang mag ani ng mga ito.

Pagka ani ng palay ay kailangan itong bayuhin para makuha ang mapuputing bunga ng palay. Isa isahin pa niya ang pagpulot at pagbayo sa mga butil na ito kayat mukhang matagal ito kung siya lamang ang gagawa.

Nakiusap ulet si Inahing manok sa kanyang mga kapitbahay pero hindi padin siya pinapansin. Mag isang binayo ni Inahing Manok ang mga palay at inayos ang pagkaka pulot sa mga bunga nito.


Nagugutom na ang inahing manok kaya nagluto siya ng mga nabayong bunga ng palay.

Mabango at mukhang masarap ang palay na naluto ng Inahing manok.

Inihapag ng inahing manok ang nalutong mga bigas sa hapag kainan.


Sakto naamoy ito ng kanyang mga kapitbahay at natakam sa nalutong pagkain ni Inahing Manok.


Isa isang nagdatingan ang mga hayop na kapitbahay lamang para makikain.

“Ang sarap at ang bango naman ng niluto mo Inahing Manok” sabi ng Pusa. “Oo nga, nagutom tuloy kami” sabi ng kambing. “Pwede bang makikain kami kaibigang Manok, sambit ng baboy.


Ikinalulungkot ko mga kaibigan. Ang kaninng itinanim, binayo at niluto ay sakto lamang sa aking mag anak.


Aral sa Ang inahing Manok (Buod ng Pabula)

Kung sino ang nagtanim, sya ang may aanihin.


Iba pang Pabula na babasahin

Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)

Ang Agila at ang Maya (Buod ng Pabula)


Back to Home Page >>