Home / Ang Langgam at ang Kalapati (Buod ng Pabula)
Ang Langgam at ang Kalapati (Buod ng Pabula)
Isang araw may isang langgam ang nangangalap ng makakain sa isang kagubatan. Nang mapagod ang langgam ay naisipan nitong uminom ng tubig sa isang batis malapit sa kanyang kinaroonan.
Mabato ang batis na ito at dahil nadin sa pagkahapo sa maghapong paghahanap ng makakain, nadulas ang langgam ng matungtong ng kanyang paa ang madulas na bahagi ng bato. Nahulog ang langgam sa batis.
Sinikap ng langgam na makaahon sa batis pero lubhang nahirapan ito.
Sa sobrang takot ay napasigaw ito at nanghingi ng tulong sa kaninuman na makarinig sa kanya.
Sakto naman, may napadaan na kalapati sa kinaroroonan ng kawawang langgam. Napahinto ang ibon sa kalapit na punong mangga kung saan malapit lang ang nalubog na langgam. Tinuka tuka ng kalapati ang sanga ng mangga, sa kabutihang palad ay nalaglag ang isang kumpol ng dahon nito papunta sa kinaroroonan ng langgam. Natuwa ang kalapati kasi me maaahunan ang langgam.
Dali daling umahon ang langgam papunta sa ibabaw ng dahon. Takot na takot padin ang langgam. Napabuntung hininga ito ng malalim ng makaahon na siya.
“Nako, maraming salamat kalapati” sambit ni langgam. “Tatanawin ko ito na isang malaking utang na loob, kundi dahil sa iyo kalapati, malamang namatay na ako” pasasalamat ni Langgam.
“Walang anuman” sambit ni kalapati.
Napangiti lang din si kalapati at nakaligtas si Langgam sa tiyak na kapahamakan. Para sa kaniya wala naman siyang inaantay na kapalit sa kaniyang ginawa.
Makakasabay niya si kalapati sa paginom, madami siyang gustong malaman kay kalapati. Gusto pa nga niyang kaibiganin ito dahil sa kabutihan ginawa sa kanya dati.
Madami pa siyang gustong itanong sana habang papalapit siya kay Kalapati ng mapansin niya ang isang mangangaso na may dalang pana at nakaasinta sa umiinom na si Kalapati.
Dali daling pinuntahan ni Langgam ang nakakubli na mangangaso at kinagat ito sa paa. Napaaray ang mangangaso at nawala sa asinta sa kalapati. Dumaan sa tabi ng kalapati ang palaso at nakaiwas na lumipad si kalapati.
Aral sa Ang Langgam at ang Kalapati:
Ang gumawa ng mabuti sa kapwa balang araw ay masusuklian din ng kabutihan.
Maliit man ang turing mo sa sarili mo pero wag mong maliitin ang sarili mo, ang bawat isa sa atin ay may maiaambag sa kapwa.
Iba pang Pabula: