MARVICRM.COM

Home / Ang Lamok At Ang Leon (Buod ng Pabula)

Ang Lamok At Ang Leon (Buod ng Pabula)

Ang Lamok at ang Leon (Buod ng Pabula)

Minsan sa isang kagubatan ay mahimbing na natutulog sa kanyang lungga ang isang malaking Leon.

Sa kasamaang palad, meron isang makulit na lamok at naisipan sya netong gambalain sa pamamahinga.


“Hoy Leon, ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan”? Sigaw ng lamok sa tenga ng Leon.


Nagulat ang Leon at napatindig ito sa pagkakatulog. Hinanap niya ang pinanggalinga ng nagsalita pero hindi niya makita. Bumalik nalang ang Leon sa kaniyang pwesto at akmang itutuloy ang pagtulog ulte.

Pero bago makatulog ulet ang Leon narinig niya ang pagbusina na huni sa kaniyang tainga.


"Hoy Leon.. Leon," pangisi-ngising usisa ng pilyong Lamok na dumapo pa sa ilong ng nakangunot na Leyon. "tinatanong kita. Ikaw nga ba ang Hari ng Kagubatan?"

"Oo, ako nga! Hindi mo ba alam? Ako ang Haring dapat igalang ng sinumang naninirahan sa kagubatan!" pagyayabang ng Leyon.

“Saglit lang Leon, hindi ako hanga na ikaw ang maging hari ng kagubatan. Wala kang karapatang mamuno dito sa kagubatan” pagtutya ng Lamok sa Leon.

Nagalit ang Leon at mabalasik na tumayo ito para harapin ang humahamon sa kaniya.


Pagkadapo ng Lamok sa ilong ng Leon ay dali-daling hinampas ng Leon ang lamok na nakapatong sa ilong. Pero dahil sa liit ng lamok ay di nya ito mahuli.

Bumawi naman agad ang Lamok at tinusok sa ilong ang Leon.

“Aruy Aruy”, sambit ng Leon.


Tuwang tuwa ang lamok. “May hari ba na ganyan, kunting tusok lang ng isang insekto na kagaya ko ay nasasaktan na, ako dapat ang tanghalin na Hari sa lahat” Yabang ng lamok.

Dahil dito lalong napag katuwaan ng Lamok ang Leon at akmang tutusukin ulet ito ng biglang tumalon sa ilog ang Leon para makaiwas. Tawa ng tawa ang Lamok.

Sa labis na katuwaan ng Lamok ay pakanta kanta pa ito habang palipad lipad at naisip na siya dapat ang maging hari ng kagubatan kasi napatakbo niya ang Leon.


Hindi pansin ng lamok ang isang sapot ng gagamba na nakaamba sa harapan niya tuloy. Nahagip ng sapot ang lamok at napadikit ito dito.

Nagkakampay ang lamok para makawala pero lalo lang napadikit siya sa sapot.

Naulinigan ng gagamba na me sumabit sa kanyang sapot at dali dali na pinuntuhan ang lamok para kainin.

Walang nagawa ang lamok kundi tanggapin ang kanyang kapalaran.

Isa din palang maliit na insekto ang tatapos sa kanyang buhay.


Aral sa Ang Lamok at ang Leon:

Huwag maging matapobre dahil sa nakakalamang kalang sa iba. Magingat sa labis na kayabangan baka ito ang iyong ikakadapa lamang.


Iba pang Pabula:

Ang Buwaya at ang Pabo (Buod ng Pabula)

Si Kalabaw at si Tagak (Buod ng Pabula)