Home / Ang Alamat ng Ulan (Buod)
Ang Alamat ng Ulan
Ang Alamat ng Ulan ang isa sa mga kwentong bayan na nagpasalin salin sa bibig ng ating mga ninuno.
Basahin ang Alamat na ito para malaman ang kwento ng pinagmulan ng Ulan.
Noong unang panahon, may isang malaking tao na ang tawag ay higante ang namumuhay sa mundo. Siya ay pinangalanang Dakula.
Si Dakula, isang malaking higante, ay nakatira sa isang madilim na kuweba.
Kadikit ng kanyang kuweba ang isang bukal na may sariwa at maalat-alat na tubig.
Hindi gaanong pumupunta ang taumbayan dito dahil ang bukal na ito ay binabantayan ng maige ni Dakula.
Dahil hindi sila makakuha sa lugar ni Dakula ang mga tao ay madalas na kumukuha ng tubig mula sa dagat para sa kanilang sariling pangangailangan. Maalat ito kaya minsan mahirap inumin.
Minsan sinubukan nilang patulugin si Dakula para magnakaw ng tubig sa balon. Sa kalagitnaan ng gabi maraming tao ang pumunta sa balon upang umigib ng tubig.
Hindi nila alam na nagising na pala ang dambuhalang tao na si Dakula. Hinabol sila ng pabigla ni Dakula. Hindi man lang namalayan ng mga tao na nahuli sila sa isang malaking lambat.
Itinaas ni Dakula ang buong hawla at ikinulong ang mga nahuling tao sa mga ulap.
"Diyan nalang kayo manirahan bilang parusa nyo sa pagnanakaw ng ari arian ko." Sambit ni Dakula.
Ang mga nahuli sa ulap ay umiyak at umiyak. Bumagsak ang mga luha sa lupa at nagsilbing unang patak ng mga ulan ito sa lupa.
Simula noon, kapag umiiyak ang mga taong iyon, umuulan sa lupa.
Narito ang alamat na ito ng ulan at kung bakit tila malungkot ang langit sa tuwing umuulan na parang luha.
Iba Pang mga Alamat na babasahin: