Home / Ang Madaldal na Pagong (Buod ng Pabula)
Ang Madaldal na Pagong (Buod ng Pabula)
Sa isang Magandang araw sa isang gubat ay makikita na nagkukuwentuhan ang dalawang Gansa at isang pagong.
Matalik na magkakaibigan ang tatlo. Si pagong ay kilalang madaldal sa bahaging gubat na iyon at paborito niya ang gumala para may ma-kwento lag isa ibang hayop sa gubat.
Inabot ng hapon sa kwentuhan ang tatlong magkakaibigan.
Nagpaalam ang dalawang gansa na uuwi na sila dahil pa hapon na nga.
“Isama naman ninyo ako sa inyong tirahan sa kabilang ilog”, pakiusap ni Pagong Daldal.
“E, paano ka namin maisasama ay wala ka namang pakpak at hindi ka makakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.
“Oo nga ano”, wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.
“Teka, may naisip ako”, wika ni Puting Gansa. “Maisasama ka namin kung susunod ka sa aking sasabihin.”
“Salamat. Ipinangangako kong susunod ako sa ipag-uutos ninyo”, wika ni Pagong Daldal.
“Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin naman namin ni Abuhing Gansa ang magkabilang dulo at saka tayo lilipad. Kaya lamang, ito ang tandaan mo. Huwag na huwag kang magsasalita kung hindi ay mahuhulog ka at lalagpak sa lupa.
O, hala. Tayo na. Kagatin mo na ang patpat, kaibigang Pagong”, wika ni Puting Gansa.
At nagpasya na nga ang dalawang gansa na isama si Pagong sa kanilang paglipad.
Kinagat ng dalawang gansa ang magkabilang dulo ng patpat at kumagat naman sa gitna ng patpat si pagong.
Nang nagumpisa na sa paglipad ang dalawang gansa, Nakita ni pagong ang kagandahan ng ibabaw ng puno at mga tanawin sa kapaligiran.
Tuwang tuwa si Pagong sa kaniyang napagmasdan.
Sa himpapawid ay Nakita ng ibang hayop ang lumilipad na pagong at napasigaw sila.
“Kaibigan pagong ikaw bayan? Ang galing naman nakakalipad ka na pala!”
Mukhang hindi naman mapigilan ng pagong ang sumagot at biglang ibinuka ang kanyang bibig.
“Hoy Kaibigan…..” sambit ni Pagong.
Pero bigla nalamang siyang nalaglag sa mataas na himpapawid.
Aral sa Ang Madaldal na Pagong
1. Tandaan ang bawat pinangako sa ibang tao, mayroong kapalit na kaparushan kapag ito ay iyong binaliwala
2. Matutong alamin ang limitasyon ng kakayahan para hindi ka mapahamak
3. Ang pagiging madaldal ay walang Magandang patutunguhan
Iba pang mga Buod ng Pabula